Hindi ko alam kung bakit paulit-ulit. Bakit paulit-ulit mong hinihiling ‘to?
Puso, hindi siya para sayo.
Hindi para sayo ang lugar na ‘to. Hindi para sayo ang pagyaman na gusto mo. Hindi para sayo ang sakit na paulit-ulit mong inaayawan pero paulit-ulit mo ring binabalikan.
Tama na. Hindi siya para sayo.
Kagabi sinabi mo, “Konti pa. Kakayanin ko pa.”
Hindi mo ba naiintindihan? Hindi mo kaya. Kailangan mong tanggapin na hindi mo kaya. Kailangan mong tanggapin na mahina ka. Kailangan mong tanggapin na hindi mo kaya mag-isa. Kailangan mong malaman na minsan sa pagsuko, dun pa tayo lalaya.
Lalaya sa lahat ng sakit.
Suko na, puso. Hindi na natin kaya.
Hindi na natin naiintindihan. Hindi na natin kaya magmahal. Hindi na natin kaya magtiwala. Hindi na natin kaya umasa.
Suko na. Hindi na kaya.
Ngayong gabi, tawagin natin ang Diyos.
Sabihin natin ang lahat ng sakit. Magsumbong tayo. Sabihin natin kung…
View original post 584 more words